Tuesday, March 18, 2014

Ang Totoong Kahulugan ng Wide Awake ni Katy Perry

by Divine “Apple” Ramos


Si Katy Perry ay isa sa mga kilalang singers sa panahong ito, isa rin siya sa mga iniidolo ng mga kabatan. Siya  ay anak ng mag asawang mangangaral ng salita ng Diyos. Ang ama ni Katy na si Keith Husdon ay isang Evangelical Preacher habang ang kanyang ina naman na si Mary Perry ay nakarating na sa maraming bansa upang mangaral ng kaligtasan ng tao sa pamamagitan ni Hesus. Subalit laking gulat ng buong iglesia ng makitang iba sa ipinapangaral ng kanyang mga magulang ang ipinapakita ng kanilang anak na si Katy. Sa kanta at music video ni Katy na Wide Awake pinakikita kung paano siya sumikat at paano siya pumasok sa isang magulong mundong hindi naman niya kinalakihan.  Makikita din dito na hindi na niya alam ang kanyang ginagawa dahil hindi na siya iyon. Kahit siya ay nag taka sa kanyang sarili, pinakikita din dito kung pano siya tinulungang makatakas ng batang Katy (Katheryn) sa mundong kanyang pinasok. Pagkatapos nilang magapi ang mga taong komokontrol kay Katy masaya silang lumabas sa masalimoot na lugar. Sa halos katapusan ng music video iisiping napagtagumpayan na ni Katy ang mga taong komokontrol sa kanya subalit ang batang Katy (Katheryn) ay may iniwang regalo sa kanya isang paru-parong simbolo ng Monarch Programming. (I click etong link at eto para sa karagdagan kaalaman tungkol sa Monarch Programming) Ang paru-parong ito ay nagbalik sa kanya sa dati niyang kalalagayan –pag papalabas sa harap ng maraming tao na kinokontrol ng Illuminati. Nawalan ng kabuluhan ang kanyang pakikipag laban sapagkat sya’y bumalik lamang sa dati niyang kalalagayan. Ang exposition na ito ay nag papakita na maging ang pinaka kilalang iniidolo ng mga kabataan ay puppet pala ng kasamaan. 


Ang media ay tunay ngang kapaki-pakinabang sa atin subalit, kailangan nating maging mapanuri sa ating mga pinapanood at pinapakinggan sapagkat ang media ay ginagamit din ni satanas upang tayo ay madaya.

Ang larawan ay kuha sa thetruthseeker.co.uk

Ang sabi ng salita ng Diyos:
Hosea 4:6 -  Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman.
Roma 16:19 - Ibig ko na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.

Para sa karagdagan impormasyon, maaring po lamang na iclick ang  link na eto.

1 comment:

  1. Magandang pagkakalahad, maunawaan nawa ng mga kabataan ang isipan ng "pag-iidolo" ay paglabang sa utos ng Panginoon na " Huwag kayong magkaroon ng ibang diyos maliban sa Akin".
    Ang mga "idol" o "icon" ay hindi lamang tutmutukoy sa diyus-diyosan, kundi sa anumang bagay na maari nating hangaan,mahalin,pahalagahan at pagtuonan ng panahon NA HINDI NAMAN DAPAT. Gising kabataan! Hindi habang panahon ay iikot ang ating buhay sa FACEBOOK, SELFIE,COMPUTER GAMES, GADGETS, WORLDLY SONGS AND SHOWS, PORMA, GIRLFRIEND, BOYFRIEND, HAYAHAY at LAHAT NG URI NG KALAYAWAN. Gising kabataan! Parating ng ang Diyos!!!

    ReplyDelete