by Divine “Apple” Ramos
Si Katy Perry ay isa sa mga kilalang singers sa panahong ito, isa rin siya sa mga iniidolo ng mga kabatan. Siya ay anak ng mag asawang mangangaral ng salita ng Diyos. Ang ama ni Katy na si Keith Husdon ay isang Evangelical Preacher habang ang kanyang ina naman na si Mary Perry ay nakarating na sa maraming bansa upang mangaral ng kaligtasan ng tao sa pamamagitan ni Hesus. Subalit laking gulat ng buong iglesia ng makitang iba sa ipinapangaral ng kanyang mga magulang ang ipinapakita ng kanilang anak na si Katy. Sa kanta at music video ni Katy na Wide Awake pinakikita kung paano siya sumikat at paano siya pumasok sa isang magulong mundong hindi naman niya kinalakihan. Makikita din dito na hindi na niya alam ang kanyang ginagawa dahil hindi na siya iyon. Kahit siya ay nag taka sa kanyang sarili, pinakikita din dito kung pano siya tinulungang makatakas ng batang Katy (Katheryn) sa mundong kanyang pinasok. Pagkatapos nilang magapi ang mga taong komokontrol kay Katy masaya silang lumabas sa masalimoot na lugar. Sa halos katapusan ng music video iisiping napagtagumpayan na ni Katy ang mga taong komokontrol sa kanya subalit ang batang Katy (Katheryn) ay may iniwang regalo sa kanya isang paru-parong simbolo ng Monarch Programming. (I click etong link at eto para sa karagdagan kaalaman tungkol sa Monarch Programming) Ang paru-parong ito ay nagbalik sa kanya sa dati niyang kalalagayan –pag papalabas sa harap ng maraming tao na kinokontrol ng Illuminati. Nawalan ng kabuluhan ang kanyang pakikipag laban sapagkat sya’y bumalik lamang sa dati niyang kalalagayan. Ang exposition na ito ay nag papakita na maging ang pinaka kilalang iniidolo ng mga kabataan ay puppet pala ng kasamaan.